Tinik
sa Tagumpay
Mga salitang patuloy na
nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa mga taong dumaraan sa butas ng karayom
makamit lamang ang naisin ng puso.
Pantay na nga ang paningin at
kakayahan ng mga lalaki at babae. Hindi na pahuhuli ang mga babae sa larangan
ng teknolohiya na tanging lalaki lamang ang may karapatan noong Dekada Sitenta.
Kayang-kaya nang pantayan ng mga Gabriella ang anumang gawaing iniatas sa
kanya. Mapamanu-mano man o gawaing pangpropesyonal.
Bilog nga ang mundo. Dati, gustong
pasukin ng mga Gabriella ang mundong ginagalawan ng mga kalalakihan na
nagtagumpay naman sa huli. Kabaligtaran naman ang pangyayari ngayon. Lalaki
naman ang gustong pumantay sa mundo ng mga kababaihan.
Tunay na mahirap
makipagsaparalan sa mundong punung-puno ng mapanuring mga mata na tila ba inilagay
ka sa isang microscope na kailangang kilatising
mabuti upang mapabilang ka sa mundong kanyang ginagalawan. Andiyan pa rin ang
panunuligsa ng mga taong tila ba napakalinis ng konsensya at walang bahid ng anumang
kasalanan. Kung mahina lamang ang loob ay sadyang hindi makakatingin ng tuwid
sa mga makakasalubong. Mahirap ang
ngumiti at lumantad lalo na kung naiiba
ang katauhan at matatawag pang hindi ito normal.
Ilan lamang ito sa mga katangiang
gustong makamit at mapantayan ang mga kababaihan.
·
Gampanan
ang pagiging ate, tita, o ninang kaya.
·
Pagpapapalit
ng kasarian na tanging Maylikha lamang ang nagkaloob sa bawat nilalang.
·
Uminom
ng mga gamot na makakatulong upang magkaroon ng mayayamang dibdib at mawala ang
tila batong nakaharang sa lalamunan.
Maraming sagabal sa gustong maabot ng isang tulad ni Jenna Talackova na lumahok sa paligsahan ng kagandahan. Ito ay ang sikat na Miss Universe na sinasalihan ng mga kababaihan kung saan sinusukat ang kagandahan at ang katalinuhan ng isang kalahok. Dito ay ipinapakilala mo rin ang bansang iyong pinagmulan.
Kilala ang paligsahan ng Miss
Universe sa buong bansa na talaga namang inaabangan at pinapanood ng mga
bansang kanilang kinakatawan. Kabilang na rito si Jenna ng Miss Universe
Canada. Mainit na isyu ang paglahok niya sa paligsahan dahil hindi siya tunay
na babae. Sadyang hindi maikakaila sa kanyang panlabas na anyo na siya ay isang
babae subalit napag-alaman na siya at isang lalaki ng ipanganak.
Paano niya sasagutin ang
katanungang “What is the essence of being
a woman?” kung siya ay walang kakayahang magdala ng isang sanggol sa
sinapupunan. Tanging tunay na babae lamang ang mayroong bahay-bata kung saan siyam na buwan siyang maninirahan dito.


Hindi lamang panlabas na anyo
ang basihan sa paligsahan ng kagandahan dahil kumakatawan din ito sa tunay na
katauhan ng isang kandidato. Kinakailangang “naturally born female” ang isang kalahok at hindi kabilang dito ang
transgender o nagpapalit lamang ng katauhan at kasarian.
Mahirap makipagsabayan sa mga
tunay na babae dahil tanging sila lamang ang binigyan ng Diyos na magdala ng
buhay sa sinapupunan. Maaari magaya ang kanilang panlabas na anyo ngunit hindi
ang tunay na esensya nito.
Nagkakaroon naman ng mga Miss Universe Gay
Contest sa ibat’t ibang panig ng mundo at binibigyang-laya naman ang
pagsasagawa nito. Dito ay walang babatikos lalo na kung makikitang isa kang
responsableng mamamayan na may dignidad. Tanggap na sa mundo ang homosexual
at bukas din ang isip ng mga tao sa mga transgender ngunit sadyang marami pang pagsubok
ang kakaharapin kung samahan ng kababaihan ang papasukin.
Tinik na maituturing ang mga
hadlang, balakid, at pagsubok sa mga gustong makamit ng isang transgender sa
mundo ng Miss
Universe Competition. Laging andiyan ang Diyos upang ikaw ay gabayan
at subaybayan sa iyong mga problema. “Hindi
kita iiwan ni pababayaan man” ang winika ng Diyos sa kanyang banal na
kasulatan dahil mahal niya ang lahat niyang nilikha.
Pakatandaan lamang, nakakamit
ang tagumpay kung wala kang naaapakang karapatan ng bawat nilalang.
Mga Sanggunian:





Walang komento:
Mag-post ng isang Komento